BuCor at isang paaralan, nagkasundo para sa senior high school-arts & design track sa NBP

BuCor at isang paaralan, nagkasundo para sa senior high school-arts & design track sa NBP

PORMAL nang lumagda sa kasunduan ang pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor) at Muntinlupa National High School para sa extension program ng MNHS Senior High School-Arts and Design Track sa loob ng Medium Security Camp sa New Bilibid Prison (NBP).

Ang pagpapatupad ng nasabing programa na nakasaad sa memorandum of agreement ay naaayon sa Republic Act 10533 o Enhanced Basic Education Act or 2013.

Nakapaloob sa programa na ang mga estudyanteng bilanggo ay makatatanggap ng formal education sa Senior High School with Arts and Design Track na ipinagkakaloob ng ibang education institutions.

Naniniwala si BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. na sa pamamagitan ng naturang programa ay mailalabas ang natatagong talento at talino ng mga persons deprived of liberty partikular sa larangan ng education and artistic skill.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter