10-K PDLs sangkot sa heinous crimes, posibleng benepisyaryo ng bagong ruling ng SC

10-K PDLs sangkot sa heinous crimes, posibleng benepisyaryo ng bagong ruling ng SC

INAASAHANG aabot sa 10-K persons deprived of liberty (PDLs) ang posibleng magiging benepisyaryo ng panibagong ruling ng Korte Suprema.

Ayon ito kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr.

Batay sa bagong ruling, maaaring mapalaya ang isang PDL na akusado sa anumang heinous crimes sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Taliwas na ito sa implementing rules and regulations ng Department of Justice (DOJ) noong 2019 na walang karapatan sa GCTA Law ang PDLs na nahaharap sa heinous crimes.

Ngayon, ipinag-utos ni Catapang na magsagawa ng evaluation sa mga PDL at posibleng uunahin sa pagpapalaya ang mga may sakit.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble