NANINIWALA ang Bureau of Corrections (BuCor) na makatutulong sila para mapababa ang presyo ng bigas.
Ito’y dahil ang Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa, Palawan ang magiging lokasyon ng pilot project para sa agri-tourism sites at food production areas katuwang ang Department of Justice (DOJ) at Department of Agriculture (DA).
Sa ilalim ng kasunduan ng BuCor, DOJ at DA, gagamitin sa proyekto ang mahigit 500 na ektarya sa kabuoang 28,326.41 ektarya ng IPPF.
Maaari ding gagamitin sa proyekto ang mahigit 50-K na persons deprived of liberty (PDLs) ng BuCor ayon kay BuCor chief Gregorio P. Catapang, Jr.
Samantala, maliban sa IPPF ay may bakante pang mga lote na maaaring magamit sa proyekto ang BuCor sa New Bilibid Prison (NBP); Sablayan Prison and Penal Farm; San Ramon Prison and Penal Farm; Davao Prison and Penal Farm; at Leyte Regional Prison.