NAGHAHANAP ngayon ng mga trabahante ang Bureau of Corrections (BuCor).
Batay sa abiso ng ahensya, nasa 1,000 corrections officer at 133 non-uniformed personal ang mga bakanteng posisyon sa BuCor na kailangang punan.
Kabilang sa mga katangian na hinahanap ng BuCor sa mga aplikante ay ang commitment ng mga ito para maipagpatuloy ang diwa ng pagkamatapat, pagiging mapagmatyag, may takot sa Diyos at pagka-makabago.
Batay sa pahayag ng BuCor, ang gaganaping 2 araw na job fair na magsisimula ngayong araw ay para sa layong maisulong ang layunin ng ahensya na maging isang ‘modernized institution and correctional facility in the Philippines’.
Ilulunsad ang one-stop-shop recruitment booth sa National Headquarters, New Bilibid Prison Reservation, Sunken Garden sa lungsod ng Muntinlupa simula ngayong araw, Nobyembre 7 hanggang bukas, Nobyembre 8.