Sen. Go, suportadong dagdagan ang national calamity fund

Sen. Go, suportadong dagdagan ang national calamity fund

PABOR si Senador Bong Go na dagdagan ang calamity fund sa 2023.

Saad ng senador, wala siyang pagtutol sa panukala dahil tungkulin ng gobyerno na agad na matulungan ang mga biktima ng bagyo upang agad na makabangon.

Muli namang isinulong ni Sen. Go ang pagtatag ng Department of Disaster Resilience na pangungunahan ng isang cabinet-level secretary.

Ito ay upang mas mapabilis at mas maayos ang paggamit ng pondo kung may isang departamentong naka-focus sa relief, recovery and rehabilitation programs ng pamahalaan.

Sinabi pa nito na kung maglalagay ng mas malaking pondo dapat ikonsidera ang paglalagay ng streamlined at mas empowered na governing body na magiging accountable sa paggamit ng pondo.

Follow SMNI NEWS in Twitter