BuCor, umaasa na  magiging matapat ang mga tauhang dating ni-relieve sa puwesto

BuCor, umaasa na magiging matapat ang mga tauhang dating ni-relieve sa puwesto

UMAASA ang Bureau of Corrections (BuCor) na mababago na ang asal ng ilan sa kanilang mga tauhan matapos silang sinuspendi at isinalang sa seminar.

Ito’y dahil natapos na ang leadership seminar ng 50 officials at personnel ng BuCor na kabilang sa mga ni-relieved sa puwesto.

Ang naturang 50 BuCor personnel ay bahagi ng 700 naka-assign dati sa Maximum Security Compound ay ni-relieve o sinibak sa puwesto ni BuCor Director General Gregorio Catapang, Jr. dahil sangkot sa ilang mga paglabag sa trabaho o sa prison rules and regulations.

Ang naturang seminar ay bahagi ng reporma o pagbabago na isinusulong ngayon ng BuCor para ipaalala ang kagandahang asal sa kanilang hanay para makapagsilbi ng tama at tapat sa bureau.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter