NAGBUGA ng abo sa loob ng mahigit tatlong oras ang Bulkang Kanlaon.
Sa update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Enero 16, 2025, nag-umpisa ang ash emission 3:08 ng madaling araw at natapos ng 6:15 ng umaga.
Ito na ang ikalawang pinakahabang ash emission na naitala mula sa Bulkang Kanlaon ngayong taon.
Noong Enero 1, umabot na ng 264 minuto o 4.4 oras ang ash emission ng nabanggit na bulkan sa Negros Islands.