Bus marshals, tinitingnan ng PNP na ibalik dahil sa pamamaril sa loob ng bus sa Nueva Ecija

Bus marshals, tinitingnan ng PNP na ibalik dahil sa pamamaril sa loob ng bus sa Nueva Ecija

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad ng mga sumasakay ng bus.

Ito ay kasunod ng pamamaril sa mag-live in partner sa loob ng isang bus unit ng Victory Liner sa Carranglan, Nueva Ecija.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean na tinitingnan nila na posibleng ibalik ang mga pulis na magsisilbing bus marshals upang  mapigilan ang anumang krimen sa loob ng bus.

Posibleng i-deploy ang bus marshals sa malalayong biyahe.

Maliban dito, posible ring gamitin ang trained dogs ng pulisya bilang karagdagang seguridad.

Makikipag-ugnayan ang PNP sa iba’t ibang kompanyang ng bus upang mailatag nang maayos ang seguridad sa mga terminal at loob ng bus.

Hindi ito ang unang pagkakataon na magdi-deploy ng bus marshals ang PNP dahil ginawa ito noon sa Maguindanao.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter