AABUTIN pa ng ilang araw ang bushfire sa Victoria, Australia ayon sa mga opisyal ng lugar.
Sa abiso ng Victoria Emergency Services Agency, daan-daang residente na nakatira malapit sa Grampians National Park ang pinapalikas na dahil dito.
Nagsimula ang naturang bushfire noong Disyembre 17, 2024.
Daan-daang firefighters na rin ang ipinadala sa lugar para apulahin ang bushfire.