NILAGDAAN na ng Nauru, isang bansa sa Oceania ang kasunduan nila sa pagitan ng Australia hinggil sa pagpapalakas ng kanilang ekonomiya at seguridad.
Sa naturang kasunduan, partikular na magbibigay ang Australia ng 100 million Australian dollars sa Nauru sa loob ng limang taon bilang direktang suporta sa bansa.
May hiwalay pang 40 million Australian dollars na gagamitin nga para sa pagpapalakas ng security system sa Nauru.
Kasama rin sa kasunduan na ipagbigay-alam ng Nauru at kumuha ng pahintulot mula sa Australia sakaling gagamit ang Chinese navy vessels sa kanilang daungan.
Ngunit mismong ipina-upgrade naman ang kanilang daungan ng isang Chinese state company.