Calvin Abueva, hindi paawat sa pag-eensayo sa kabila ng injuries

Calvin Abueva, hindi paawat sa pag-eensayo sa kabila ng injuries

HINDI paawat sa pag-eensayo ang Gilas Pilipinas player na si Calvin Abueva sa kabila ng natamong mga injury.

Napabalitang parehong na-dislocate ang mga hinlalaki ni Abueva sa kanilang mga pagsasanay.

Sa isang pahayag, sinabi ni Abueva na maayos naman ito at kasalukuyang naka-focus ito sa trabaho at pag-eensayo kasama ang national team.

Dagdag pa ni Abueva, masaya itong nakabalik sa paglalaro sa kabila ng kaniyang edad.

Pinaghahandaan ngayon ng Gilas Pilipinas ang Asian Games na magsisimula sa Setyembre 23 sa Hangzhou, China.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter