TINIYAK ni basketball star Carl Tamayo ng University of the Philippines na maglalaro pa rin siya para sa kanilang koponan kahit pa nagkaroon ito ng mild ankle sprain.
Ayon kay Tamayo, importante para sa kanya ang makapaglaro para sa kaniyang koponan lalong-lalo na sa UAAP finals sa susunod na linggo.
Sinabi na rin ni UP coach Goldwin Monteverde na kakayanin ni Tamayo ang maglaro sa best-of-three finals dahil hindi ito serious injury ayon sa kanilang physical therapist.
Nakuha ni Tamayo ang kanyang sprain mula sa laro nito kontra National University nitong Miyerkules.
Nanalo naman dito ang UP laban sa NU sa iskor na 69-61.