Cash donation at mga kagamitan, tinanggap ng AFP mula sa MVP Group

Cash donation at mga kagamitan, tinanggap ng AFP mula sa MVP Group

NAGPASALAMAT ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa 3.95 milyong pisong cash donation at mga kagamitan mula sa MVP Group of Companies.

Tinanggap ito ni AFP Chief of Staff General Andres Centino na sinaksihan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo.

Ipamamahagi ang cash donation sa pamilya ng mga sundalong nasawi sa pagbagsak ng C-130 noong Hulyo 4, 2021.

Habang ang 30 ambulance bikes ng Hospital-In-A-Bike Project ng Medical Center Foundation (MMCF) ay ipamamahagi sa Philippine Army, Philippine Navy, and Philippine Air Force.

Tumanggap din ang AFP ng 12,578 doses ng COVID-19 vaccine ng Moderna at Pfizer at 5 computer units para sa AFP Dental Service na gagamitin sa dental records information management system o DRIMS Project.

Follow SMNI NEWS in Twitter