HINATULAN ng guilty ng korte sa Iligan City laban sa cashier ng isang non-governmental organization (NGO) na nagpopondo sa teroristang grupo.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), napatunayang guilty ng hukuman sa 55 counts ng paglabag sa Section 7 ng RA 10168 o Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 si Angeline Magdua.
Si Magdua ay isa sa dalawang cashiers ng NGO na Rural Missionaries of the Philippines-Northern Mindanao Region na sinasabing front ng terrorist organization na kumukuha ng mga donasyon sa mga foreign groups para mapondohan ang mga terorista.
Sinabi ng DOJ na ito ang unang conviction sa ilalim ng RA 10168 kahit ito ay 11 taon nang naisabatas.
Ang kaso ay nag-ugat sa reklamong inihain ng Anti-Money Laundering Council na nagsagawa ng financial investigation sa mga NGOs na nagbibigay ng pinansiyal na suporta sa CPP-NPA.