MAGKAKAROON ng dry-run sa cashless toll collection ang Cavite Toll Expressway (CAVITEX) simula Setyembre 14, 2024.
Ang mga toll booth na kasama rito ay ang Parañaque o R1 Expressway Toll Plaza at Kawit o R1 Extension Expressway Toll Plaza.
Kaugnay rito, hinihikayat ang lahat na mga motorista na dadaan sa CAVITEX na gamitin na ang kanilang RFIDs.
Sakaling wala talagang RFIDs, itatabi naman ang isang motorista sa isang lokasyon para makapagbayad ito ng cash.