Cayetano, binatikos ang PCA sa mabagal na pamamahagi ng tulong-medikal sa coconut farmers

Cayetano, binatikos ang PCA sa mabagal na pamamahagi ng tulong-medikal sa coconut farmers

BINATIKOS ni Sen. Alan Peter Cayetano araw ng Martes ang Philippine Coconut Authority (PCA) dahil sa pagkaantala ng pamamahagi ng medical assistance sa mga coconut farmer.

Ito ay matapos abutin ng isang buong taon ang pagsusumite nito ng plano para sa programa.

Ang kasalukuyang financial year ay magtatapos sa Disyembre. Ibig sabihin, mayroon na lamang isang buwan ang PCA para maipamahagi ang natitirang P490-M sa mga benepisyaryo.

Binigyang-diin ni Cayetano na anim sa 10 may sakit na Pilipino ang namamatay nang hindi nakapagpapatingin sa doktor, kabilang na ang mga magsasaka ng niyog na itinuturing na “poorest of the poor” sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter