Chery Tiggo, pinalawig ang winning streak matapos payukuin ang Cignal HD spikers

Chery Tiggo, pinalawig ang winning streak matapos payukuin ang Cignal HD spikers

DIKIT ang naging laban sa pagitan ng Chery Tiggo Crossovers at Cignal HD Spikers sa nagpapatuloy na elimination round ng PVL All-Filipino Conference.

Bagamat nagwagi via straight set ang crossovers ay nahirap itong payukuin agad ang HD spikers.

Sa first set lamang ang Cignal ng 6 points sa iskor na 4-10 na naging dahilan para tumawag ng timeout ang Chery Tiggo.

Matapos nito, nagawang makatabla ng koponan sa 16 points.

Pero mas naunang nakakuha ng set point advantage ang Cignal sa iskor na 21-24.

Gayunpaman dahil kina Eya Laure, Ara Galang at Pauline Gaston ay nagawang makuha ng Chery Tiggo ang first set win sa iskor na 26-24.

Samantala, dahil sa panalo ng koponan pinalwig pa nila ang kanilang winning streak sa lima at nanatiling buhay ang pagasa na makapasok sa semifinals round.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter