BALIK na sa full 100% face-to-face transaction ang Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Batay sa memorandum ni House Secretary General Reggie Velasco, lahat ng empleyado sa Kamara ay required na bumalik na sa in-person work set-up.
At hindi na maaari ang work-from-home setup na ipinatupad noong kasagsagan ng epekto ng COVID-19 pandemic.
Para sa mga empleyado, 8:00 am to 7:00 pm ang official work hours sa Mababang Kapulungan.
Samantala, sa isang hiwalay na kautusan, inatasan ni House Speaker Martin Romualdez ang lahat ng mga kongresista na in-person na dumalo sa lahat ng mga ganap sa Kamara.
Kabilang dito ang pagdalo ng face-to-face sa plenary sessions, committee meetings, conferences, at hearings.
At kung may pagkakataon na ma kailangang dumalo ng isang kongresista sa official functions nito gamit ang teleconferencing ay dapat pa itong ipaalam sa liderato ng Kamara.
Mas maaga naman ang effectivity ng bagong kautusan sa mga kongresista na magiging epektibo sa Hulyo 31, 2023.