Chinese ambassador sa Canada, bumaba sa puwesto

Chinese ambassador sa Canada, bumaba sa puwesto

BUMABA sa puwesto at umalis na sa Canada ang Chinese ambassador na si Cong Peiwu.

Ang detalye ng pag-alis ng Chinese ambassador sa nabanggit na bansa ay hindi na isiniwalat pa.

Bagamat hindi tiyak kung ano ang rason, simula taong 2018 ay hindi na gaanong maganda ang relasyon ng China at Canada.

Isa sa mga rason ay ang pagka-detain ni Chinese Chief Financial Officer Meng Wanzhou ng Huawei Technologies sa Canada kasunod ng isang US warrant.

Taong 2021 pa ito nang makalaya matapos ang isang libong araw na pagkakakulong.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble