SA isang event sa Makati, sinagot ng Chinese Embassy ang mga mahahalagang isyu na kinakaharap ng Pilipinas at China.
Sa isyu ng pagpaabot ng administrasyong Marcos ng pagbati sa bagong halal na presidente ng Taiwan na si Lai Ching-te, muling ipinahayag ni Chinese Ambassador Huang Xilian ang posisyon ng China.
Pinayuhan ng embahada ang administrasyon na maging tapat sa One-China Policy.
“We hope that the Philippines to stay committed to the One-China Policy pursued by successive Philippine administrations since the establishment of diplomatic ties between China and the Philippines, respect China’s internal affairs, and handle Taiwan-related issues prudently, so as to maintain the healthy and stable development of China-Philippines relations,” ayon kay Ambassador Huang Xilian, Chinese Embassy to the Philippines.
Maritime isyu sa pagitan ng Pilipinas at China, dapat pag-usapan—Chinese Embassy
Sa isyu naman hinggil sa maritime dispute sa pagitan ng dalawang bansa, iginiit ni Ambassador Huang Xilian na normal lang na may pagkakaiba ang mga kalapit na bansa.
Pero aniya na mahalaga ay mapag-usapan ang pagkakaiba ng dalawang bansa at magkaroon ng konsultasyon.
“History has amply proved that when the two countries manage their differences in a mature and constructive manner, the road of China-Philippines cooperation widens; But when differences are magnified and conflicts created, the relations will be deeply bogged down in trouble,” dagdag ni Huang Xilian.
Ibinahagi pa ng opisyal na sa magkakaibang okasyon ay muling pinagtibay ng dalawang lider ng bansa na ang nasabing maritime issues ay hindi ang kabuuang relasyon ng Pilipinas at China.
Napag-usapan aniya ng dalawa na ang mga isyung ito ay kinakailangang maayos na pangasiwaan sa pamamagitan ng isang konsultasyon.
“We hoped that the Philippines will meet China halfway, manage maritime differences properly through dialogue and consultation, and jointly maintain peace and stability in the South China Sea and the sound development of bilateral relations,” ani Huang Xilian.