Christian Gian Karlo Arca, tututukan ang susunod na IM Games sa Malaysia

Christian Gian Karlo Arca, tututukan ang susunod na IM Games sa Malaysia

TINUTUTUKAN ngayon ni Fide Master Christian Gian Karlo Arca ng Team Pilipinas ang pangalawa nitong International Master (IM) laban sa Eastern Asia Juniors and Girls Chess Championships Level.

Ito’y matapos manalo sa Fide World Youth Chess Championships sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong Setyembre.

Dito nakuha ni Arca ang 7.0 points na naglagay sa kaniya sa ika-24th na puwesto sa kabuuan.

Nakuha naman ng kaniyang teammate na si Fide Master Mark Jay Bacojo ang pangatlong puwesto sa boy’s standard 18-under division kung saan nanalo siya ng kaniyang ikalawang International Master Games sa puntos na 9.5.

Samantala, nakatakdang idaraos sa Disyembre 1-9, 2023 sa Kota, Kinabalu Sabah, Malaysia ang susunod na Fide-Rated Tournament.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter