Dalawa pang Thai hostage, pinakawalan ng Hamas

Dalawa pang Thai hostage, pinakawalan ng Hamas

TINANGGAP ni Foreign Affairs Minister Parnpree Bahiddha-Nukara ang dalawa pang hostage na pinakawalan nitong Miyerkules ng mga Hamas.

Ayon kay Parnpree, masaya siyang tanggapin ang dalawang Thai hostage na dumating sa ospital sa Tel Aviv.

Sa kabuuan 18 Thai hostage ang pinakawalan habang ayon sa Foreign Ministry, 13 pa ang hawak ng Hamas.

Umabot naman sa 37 Thai national ang napatay sa pag-atake ng mga Hamas noong Oktubre 7.

Ayon sa isang Thai Muslim Group na direktang nakipag-usap sa Hamas, siniguro nito na ang mga Thai hostage ang isa sa mga unang papakawalan sa nagpapatuloy na ceasefire.

Bago ang digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas 30,000 Thai workers ang nagtrabaho sa sektor ng agrikultura sa Israel.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble