Christine Dacera, namatay sa natural death —PNP Crime Laboratory

KUMPIRMADONG natural death ang ikinamatay ng flight attendant na si Christine Dacera batay mismo sa findings ng Philippine National Police Crime Laboratory.

Batay sa report ng isang medico legal, ruptured aortic aneurysm na bunsod ng biglang pagtaas ng kanyang blood pressure ang ikinamatay nito.

Nirule out din ang anggulong homicide.

Paliwanag sa report, isang medical condition ang aortic aneurysm at pinawalang bisa din ang paratang na rape kay Christine sapagkat hindi dahilan ng pagkakaroon ng aneurysm ang akto ng panggagahasa.

“Manner of death as homicide is ruled out in Dacera’s case because the aortic aneurysm is considered a medical condition. Rape and/or drug overdose will not result to the development of aneurysms,” ayon sa nakasaad sa findings.

ilan sa mga agam-agam na tila nabigyan na ng kasagutan ang paratang na rape sa mga nakasama ni Christine ilang oras bago ito pumanaw o nawalan ng buhay habang nasa bath tub ito mula sa nirentahan nitong kwarto sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Naunan nang iginigiit ng pamilya ni Christine na pinainom ito ng droga at na-harass pa ng mga mga kaibigan nito.

Bagay na itinanggi naman ng paulit ulit ng mga nakasama nito sa kwarto.

Iginiit naman sa medico legal report na ang dilatation o aneurysm sa aorta ni Dacera ay isang chronic condition na matagal nang nagsimula.

Ipagpapatuloy ang preliminary investigation na siyang magsasabi kung iaakyat ba sa korte ang kaso sa umanoy pagpatay at panggagahasa kay Dacera sa February 3.

Iginiit kasi ng Pamilya Dacera sa pamamagitan ng abogado nito na nangangalap ng impormasyon at karagdagang ebidensiya na magpapatunay sa kanilang akusasyon

Sa Pebrero 3 ay maghaharap harap muli ang dalawang kampo para sa isasagawang sworn statement para sa mga respondents.

Ayon sa ilang abogado ng mga inaakusahan, personal na magtutungo ang labin isang indibidwal sa piskalya na diumanoy sangkot sa pagkamatay ni Tintin Dacera.

SMNI NEWS