Christmas break ng mga pampublikong paaralan, magsisimula sa susunod na linggo—DepEd

Christmas break ng mga pampublikong paaralan, magsisimula sa susunod na linggo—DepEd

MAGSISIMULA na sa Disyembre 18 ang Christmas break ng mga mag-aaral at mga guro sa lahat ng public schools sa buong bansa.

Magtatapos naman ito sa Enero 2, 2024 batay sa DepEd Order No. 22 series of 2023 o ang Implementing Guidelines on the School Calendar and Activities para sa School Year 2023-2024.

Ibig sabihin, sa Enero 3 ay balik-eskwela na ang mga mag-aaral sa lahat ng pampublikong paaralan.

Nagsimula ang School Year 2023-2024 sa mga public school noong Agusto 29, 2023 at magtatapos ito sa Hunyo 14, 2024.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter