NANINIWALA ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na mahihirapan ang bagong Bureau of Corrections Officer In Charge na si Gregorio Catapang sa paglilinis ng korapsyon sa New Bilibid Prison (NBP).
Ipinaliwanag ni VACC President Boy Evangelista na masyado na kasing malalim ang ugat ng korapsyon sa Bilibid na kontrolado ng mga mapepera at mga maimpluwensyang bilanggo doon.
Kasabay rito ay tiniyak naman ng VACC na suportado ng kanilang grupo ang liderato ni Catapang.
Pinuri din ng VACC ang isinagawang Oplan Galugad sa NBP kamakalawa na nakakumpiska ng mga ipinagbabawal na bagay tulad ng mga droga, bladed weapons, alak, sigarilyo, mga cellphones at iba pa.