NAKIKIPAG-ugnayan na ang Office of the Vice President (OVP) sa Government Service Insurance System (GSIS) para sa donasyon o pagbili ng posibleng lokasyon ng permanente nitong tanggapan.
Ayon kay Vice President Sara Duterte, isa sa ikinokonsidera ay ang “Coconut Palace” sa Pasay City na dati na ring ginamit bilang opisina ng OVP sa mga nakalipas na administrasyon.
Nasa PhP10-M aniya ang initial down payment para masiguro ang kontrata at dadagdagan na lang ang pondo para sa multi-year payment ng gusali.
“Right now sir we are looking for one property only and that is the Coconut Palace but there is no amount yet identified or given by the GSIS but we are still look at other properties as well of the government that can be given to the Office of the Vice President for a permanent office,” pahayag ni VP Sara.
Pero nilinaw ni VP Sara na mananatili ang satellite offices ng OVP na mayroon nang pitong strategic sites partikular sa Dagupan City, Tacloban, Cebu City, Bacolod, Tandag City, Zamboanga City at Davao City.
Paliwanag ng pangalawang pangulo, mahalaga ang access ng taumbayan sa mga satellite offices lalo na sa disaster operations center.
“We still intend to continue the satellite offices because these are the offices that cascade down the projects of the central office particularly when we came in we saw that the medical and burial assistance of the Office of the Vice President which started during the term of a Vice President Noli de Castro was concentrated in the NCR area,” ayon kay VP Sara.
Batay sa plano ng OVP, ang permanenteng opisina ay magkakaroon ng ceremonial area, museum para sa mga bise-presidente ng Pilipinas, administrative office, residential area at headquarters ng Vice Presidential Security and Protection Group.
Naghayag naman ng suporta si Senador Win Gatchalian sa mungkahing dagdagan ang pondo ng OVP para sa permanenteng opisina.
MGA KAUGNAY NA BALITA:
Paglipat ng lokasyon ng Office of the Vice President, hindi luho –OVP spokesperson
Nairelease na medical at burial assistance ng OVP, nasa higit P49-M na