COMELEC, hinimok na i-exempt din ang ayuda ng mga magsasaka mula sa election ban

COMELEC, hinimok na i-exempt din ang ayuda ng mga magsasaka mula sa election ban

NANAWAGAN si Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa Commission on Elections (COMELEC) na i-exempt din ang pamamahagi ng fertilizer at fuel subsidies sa mga magsasaka mula sa election campaign spending ban.

Sa isang pahayag, sinabi ni Rodriguez na nasa kapareho ring sitwasyon ang mga magsasaka gaya ng public utility vehicle drivers na naapektuhan sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at iba pang basic goods.

Ayon kay Rodriguez, mayroon siyang mga nasasakupan sa sektor ng agrikultura at transportasyon ng Cagayan De Oro City at Northern Mindanao na naghihintay ng pondong inilaan na ng national government para sa kanila.

Aniya, kailangan ng mga magsasaka ng pondo para sa paghahanda ng kanilang mga sakahan bago ang inaasahang pagsisimula ng tag-ulan.

Nauna nang pinayagan ng COMELEC ang pagbabalik ng distribusyon ng assistance para sa mga driver at operator ng mass transport vehicles.