COMELEC, ipinanawagan sa susunod na Kongreso na ‘di isama sa tax ang election honorarium ng mga guro

COMELEC, ipinanawagan sa susunod na Kongreso na ‘di isama sa tax ang election honorarium ng mga guro

HUWAG na isama sa tax ang election service honorarium ng mga guro.

Ito ang ipinanawagan ng Commission on Elections (COMELEC) na ipasa ng susunod na Kongreso.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, dalawang beses na silang sumulat sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na tanggalin na ang 20% tax sa mga honorarium ng mga guro na magbibigay ng kanilang serbisyo sa nalalapit na eleksyon.

Aniya, hindi sweldo ang naturang pera kundi isang honoraria, rason kung bakit ipinanawagan nilang huwag na bawasan para sa tax.

Tinaasan pa naman anila ang mga ito subalit mawawala lang din ang kanilang itinaas kung kukuhaan pa ito ng tax.

Naibahagi rin ni Garcia na tutol sa nasabing panukala ang BIR at Department of Finance at sinabing sundin kung ano man ang nakasaad sa tax code at ng train law.

Ito ang dahilan kung bakit ipinanawagan ng COMELEC sa susunod na Kongreso na ikonsidera ang kanilang panukala at kung maaari ay gawin nang batas.

Follow SMNI NEWS in Twitter