Commitment order kung saan ikukulong ang bumaril sa broadcaster na si Percy Lapid, hinihintay pa

Commitment order kung saan ikukulong ang bumaril sa broadcaster na si Percy Lapid, hinihintay pa

NANANATILI pa ring nakadetine sa PNP Custodial Center sa Camp Crame ang gunman o nakapatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid.

Ito ay habang hinihintay pa ang commitment order na ilalabas ng Las Piñas City Regional Trial Court na tutukoy kung saan ikukulong ang aminadong gunman na si Joel Escorial na hinatulang makulong ng walo hanggang 16 na taon.

Samantala, habang nakadetine na si Escorial ay nagpapatuloy naman ang paglilitis sa kaso ng kapwa akusado na si Christopher Bacoto.

Bukod naman kina Escorial at Bacoto ay akusado rin sa kaso sina dating Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag bilang mastermind sa kaso at ang middleman na si dating NBP Jail Supt. Ricardo Zulueta na kamakailan lang ay sumakabilang buhay na.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble