CHILL lang si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte sa panibagong hirit sa kaniya ni dating Sen. Antonio Trillanes.
Kasong drug smuggling at graft ang inihain ni Trillanes sa Department of Justice (DOJ) laban kay Cong. Duterte, at limang iba pang akusado.
Kabilang diyan si Atty. Mans Carpio na asawa ni Vice President Sara Duterte at dating Customs Chief Nicanor Faeldon at iba pang personalidad.
Bintang ni Trillanes na numero unong kritiko ng pamilya Duterte, sangkot umano sa pagpapapasok ng shabu ang mga akusado noong Mayo 2017 na may halagang P6.4-B.
Pero imbes na pumatol, welcome development ang kaso para kay Cong. Pulong.
Sa kaniyang statement nitong Hulyo 31, sinabi niyang mainam na pag-usapan ang isyu sa korte—’di tulad ng hilig gawin ni Trillanes na panay banat sa mga Duterte sa social media.
‘’This is a welcome development, mas maganda ito dahil sa korte ng Pilipinas ang pagdinig at hindi sa korte ng Facebook at utak ng isang trililing na sundalong kanin,’’ ayon kay Cong. Paolo Duterte.
Tinawag naman ni Duterte si Trillanes na trililing at sundalong kanin.
Para sa dating presidential son, walang basehan ang mga bintang ng dating senador.
At tahasang panloloko sa publiko ang mga gawa-gawa nitong kaso.
Tinawag din ng kongresista na ‘trial by publicity’ ang ginagawa ni Trillanes sa kaniya at sa pamilya Duterte.
‘’Please bear in mind that this is the similar case that Mr. Trillanes has made a fool out of himself when he presented his alleged evidences against me…. as a mercenary. I am not surprised that Mr. Trillanes has once again fooled to fund this desperate attempt to peddle this baseless story to the Filipino people,’’ saad ni Cong. Pulong.
Sang-ayon naman si dating Davao City Councilor Danny Dayanghirang sa komento ng batang Duterte.
Lalo na’t bahagi sila ng core group noon ni Vice President Sara Duterte sa panahon ng kampanya noong 2022 elections.
Para kay Dayanghirang, dismayado ang mga taga-Dabaw sa sinasapit ngayon ng pamilya Duterte—ang pamilyang naging instrumento ng pagbabago at pag-unlad sa bansa.
‘’Ay oo definitely! Kaya kahit paano may mga pocket of resistance pa rin ano, kahit may mga rallies na nangyayari pero karamihan. Alam mo karamihan diyan umiiyak na eh. Hindi natin akalain na ganito, darating ‘yung ganito,’’ saad ni Danny Dayanghirang Former Davao City Councilor.