Cong. Teves, ikinokonsidera na bilang isa sa mga masterminds sa Gov. Degamo killing

Cong. Teves, ikinokonsidera na bilang isa sa mga masterminds sa Gov. Degamo killing

KINUMPIRMA mismo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na itinuturing o kabilang na ang suspendidong si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves bilang isa sa masterminds sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Nilinaw naman ni Remulla na hindi bababa sa 2 – 3 ang ikinokonsiderang masterminds sa pagpasalang kay Degamo.

Kaugnay nito ay hinihingi na ng kalihim sa panel of prosecutors ang iba pang detalye, pero sa pag-usad aniya ng mga pangyayari ay ito na aniya ang tinutumbok ng imbestigasyon.

Magugunitang dati nang idinadawit si Teves sa pagpatay kay Degamo, pero mariin itong itinatanggi ng kongresista.

Kaugnay nito ay nasa ibang bansa pa rin si Cong. Teves dahil may banta umano sa kaniyang buhay at pamilya, pero dahil sa patuloy na pagliban sa trabaho sa Kamara kaya sinuspinde siya ng 60-araw.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter