NAGSASAGAWA na ng agarang contact tracing ang Quezon City sa mga indibidwal na sumali sa malaking pagtitipon sa labas ng Wil Tower studio ng celebrity TV host na si Willie Revillame.
Ayon sa pahayag ng lokal na pamahalaan, ipinag-utos ito ni Mayor Joy Belmonte matapos maibigay ng kampo ni Willie Revillame ang listahan ng mga fans na posibleng dumalo sa naturang pagtitipon.
“Mayor Joy Belmonte has ordered the City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) to immediately conduct contact tracing of those who trooped to Willie Revillame’s studio from Wednesday evening to early Thursday morning,” pahayag ng Quezon City government.
Pahayag ni Belmonte sa isang panayam, hahandugan ng libreng testing ang mga natukoy na indibidwal.
“We will conduct contact tracing, and will offer free testing to those who gathered in front of the studio. I am inviting those who may not have been listed to submit themselves for testing at any of our community-based testing centers so we can prevent the community transmission of COVID-19,” ayon kay Belmonte.
Miyerkules ng gabi hanggang Huwebes ng umaga nang nagtipon ang maraming tao sa labas ng Wil Tower sa araw ng kaarawan ng celebrity tv host.
Umaasa ang naturang mga tao na mamahagi ng pera si Willie katulad ng karaniwan niyang ginagawa tuwing araw ng kanyang kaarawan.
Walang opisyal na inanunsyo ang TV host na personal itong mamahagi ng pera sa labas ng kanyang studio.
May papremyo na isang milyong piso at brand new house-and-lot ang aktor ngunit sa pamamagitan ng “pera o kahon text promo” na nagsimula noong Enero 15 at nagtapos noong Miyerkules.
Ngunit isang social media post , maling inanunsyo nito na namahagi ng papremyo at cash ang TV host kung kaya’t nagtipon ang marami.
Saad naman ni Belmonte sa isang panayam na una ng tumawag at nagbigay-alam si Willie sa posibleng pagtitipon ng kanyang mga fans sa kaarawan nito.
Aniya nangamba ang aktor ngunit tiniyak ng Belmonte na magpapakalta ng mga police officer ang lokal na pamahalaan sa labas ng tower upang matiiyak ang crowd control at masiguro ang social distancing.
Gayunpaman, kumalat sa social media ang ilang larawan na nagpapakita na halos walang distansya sa bawat isa ang mga tao at may mga matatanda rin na vulnarable sa virus ang sumali sa pagtitipon.
Ayon kay Belmonte kakausapin niya si Quezon City Police District Director Police Brigader General Danilo Macerin upang maipaliwanag ang kabiguan ng mga pulis na makontrol ang pagdami ng tao sa araw na iyon.
“Gusto ko malaman sa kanila kung ano ang nagawa bakit may mga reports ang media na hindi nagkaroon ng crowd control, etcetera. So I will have to get their side,” ani Belmonte.
Samantala, sinabi ni Department of the Interior and Local Government officer-in-charge and Undersecretary Bernard Florece na iimbestigahan ng DILG ang naturang insidente upang malaman kung may violation ba ang TV host o mga organizers.