NAKAHANDA na ang courtroom sa ICC, The Hague, Netherlands para sa unang pagdinig ng kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa paunang pagdinig, sisiguraduhin ng mga hukom ang pagkakakilanlan ng akusado at ang wikang kanyang nauunawaan upang masundan niya ang mga proseso ng paglilitis.
Ipaaalam din sa kanya ang kasong isinampa laban sa kanya at ang kanyang mga karapatan ayon sa Rome Statute ng ICC. Ang Pre-Trial Chamber I ay binubuo nina Judge Iulia Antoanella Motoc (Punong Hukom), Judge Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou, at Judge María del Socorro Flores Liera.