COVID-19 positivity rate sa bansa, bumaba pa

COVID-19 positivity rate sa bansa, bumaba pa

NANANATILING nasa “low” ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na isang linggo.

Sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, bumaba pa sa 1.6% ang positivity rate sa NCR noong Pebrero 25 mula sa 1.7% noong Pebrero 18, 2023.

Bukod sa NCR, nasa low risk na rin ang positivity rates sa marami pang probinsya sa Luzon.

Habang tumaas naman ang positivity rate sa Misamis Oriental at South Cotabato.

Sinabi ni David na tumaas sa 6.5% ang positivity rate sa Misamis Oriental mula sa 4.3% habang umangat sa 13% ang positivity rate sa South Cotabato mula sa 2.8%.

Follow SMNI NEWS in Twitter