COVID-booster vaccination, isinasagawa sa KJC Compound sa Davao City

COVID-booster vaccination, isinasagawa sa KJC Compound sa Davao City

ISINASAGAWA sa Kingdom of Jesus Christ Compound sa Davao City ang Covid-booster vaccination bilang pagsuporta sa programa ng pamahalaan sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Gaya ng sabi na bagama’t wala pa ang surge sa Davao City ay patuloy ang pagsuporta sa mga hakbang na ginagawa ng ating pamalahaan, isa na ang ginagawang booster shot vaccination sa Kingdom of Jesus Christ Compound sa pangunguna ng butihing Pastor.

Tulad ng mga nakaarang vaccination campaign ng pamahalaan daan daang indibidwal ang mababakunahan ng Covid-booster na nagsimula kahapon January 8.

Ang isang indibidwal ay maaring tumanggap ng booster regardless kung sa ibang lugar ito kumuha ng 1st at 2nd dose nito.

Samantala, magpapatuloy naman ang vaccination ng booster sa Kingdom of Jesus Christ Compound sa mga susunod na araw, at isa sa sinisiguro nito base na rin sa standard ng butihing Pastor, na maigting na pinapairal ang mga health protocols at mapayapang pagsasagawa ng vaccination.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.