NANINIWALA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na malapit nang magwakas ang New People’s Army (NPA) na ipinagdiwang ang ika-54 na anibersaryo kahapon, March 29.
Ayon kay AFP spokesperson Colonel Medel Aguila, mangilan-ngilan na lamang ang miyembro ng NPA at hindi magtatagal ay malalansag na ang grupo.
Umaasa aniya ang AFP na ito na ang huling anibersaryo ng NPA at magiging bahagi na lamang ng kasaysayan ang grupo.
Maliban dito, posibleng matamo na rin ang minimithing kapayapaan dahil sa patuloy na pagsuko ng mga NPA.
Nabatid na sa tulong ng mga programa ng gobyerno ay maraming miyembro ng grupo ang nahihikayat na magbaba ng armas at iiwan ang armadong pakikibaka.