HINDI magpapatupad ng Maximum Suggested Retail Price (MSRP) sa sibuyas ang Department of Agriculture (DA).
Paliwanag ng ahensiya, ipinapatupad lang ang MSRP kung may pagtaas ng presyo ng isang produkto.
Sa ngayon ay nagpapatuloy naman ayon sa DA ang pagbaba ng presyo ng sibuyas.
Aasahan pang mas bababa ito dahil anihan na ng sibuyas sa mga susunod na linggo.