SA last quarter ng 2022, marami ang nagulat nang pumalo sa P700 per kilo ang presyo ng sibuyas sa mga pamilihan sa bansa, mas mahal kumpara sa presyo ng karne.
Bagay na ayaw ulit mangyari ng bagong kalihim ng Department of Agriculture sa (DA) ilalim ng kaniyang pamumuno.
Sa kaniyang pagdalo sa unang pagkakataon sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food hinggil sa sitwasyon ng suplay ng pagkain sa bansa, sinisiguro ni DA Sec. Francisco Tiu Laurel, Jr. na patuloy nilang tututukan ang presyo ng sibuyas at gagawa ng mga hakbang para hindi na maulit ang nangyari.
“So, we will hold you to this, itong onion for December. We were assured last year, just for the information of the good secretary na we were, by August, we were a 114% self-sufficient sa onion noon. But unfortunately, pagdating ng December ang laki pala ng discrepancy.”
“I confirmed that the price of sibuyas pula today is P140 and sibuyas puti is P110. And I am closely monitoring this and we will not and we will do action para hindi na mangyari ‘yung nangyari noong nakaraang taon,” ayon kay Rep. Mark Neverga, Chairperson, House Committee on Agriculture and Food.
Sa kabila rito, sinabi ni DA-Bureau of Plant Industry (BPI) Dir. Gerald Glenn Panganiban na may mga report silang natatanggap na may ilang nagbebenta ng sibuyas ngayon sa halagang P180-P200.
“For onions, Director Glenn, tama ba ito, P140 to P150 lang sa market?” tanong ni Rep. Mark Neverga.
“Yes sir. May ganoon po ang average pero mayroon naman pong nagrereport na nasa P180-P200,” sagot Dir. Gerald Glenn F. Panganiban, DA-BPI.
“May P200 pa nga eh,” dagdag ni Neverga.
“Opo sir. But limited naman ‘yung ganoong reports but we are closely monitoring it,” ayon kay Panganiban.
“And I think, you still have expected imports coming in just para just to balance, para mabalanse lang ‘yung presyo,” wika ni Neverga.
“Opo sir,” ani Panganiban.
Presyo at suplay ng agricultural products sa bansa, sapat at stable pa rin—DA
Samantala, kinumpirma ni DA Asec. Arnel de Mesa na may pagbaba sa lebel ng importation ng baboy ngayon dahil sa tumaas ang local production.
Sa ngayon, naglalaro sa P240-P360 kada kilo ang presyo ng karneng baboy sa pamilihan sa Metro Manila.
“But for pork dahil tumaas din naman po ‘yung ang ating production especially this coming 4th quarter. Na-offset po ng local production natin,” ayon kay Asec. Arnel V. De Mesa, DA.
Inihayag din ni De Mesa na sapat ang suplay ng bigas sa bansa hanggang sa susunod na taon.
Naglalaro sa P33-P65 kada kilo ang presyo ng bigas ngayon.
“For the dry season, lean months which is mid-January to mid-February we still have ample supply. As I mentioned, going into first quarter our projection is 90 days. Right now, its 80 days without additional imports. But if Indian rice will come in plus additional imports, ang SPSIC issuance po ng BPI ay marami po. If 50% of that will come, so, we can expect more imports coming in,” ani De Mesa.
Samantala, sa usapin naman ng suplay ng asukal, inihayag ni Sec. Laurel na bagama’t mataas ang imports at sapat ang suplay ng asukal sa bansa ngayon ay hindi pa rin bumababa ang presyo nito.
Sa ngayon, naglalaro sa P78-P110 kada kilo ang presyo ng asukal sa Metro Manila.
“When there is a disparity nga na dapat ang asukal should be around P85 lang hindi P100. So, we are doing some interventions soon in order to address these problems but unfortunately, I cannot divulge in public kung ano ‘yung mga interventions na aming gagawin through the efforts of DTI, SRA and DA,” paliwanag ng kalihim.
Sinisiguro naman ni Enverga na patuloy na tututukan ng Kongreso ang presyo ng mga bilihin at kita ng mga magsasaka sa bansa.
Kaya asahan na patuloy ang mga isasagawang mga pagpupulong ng komite sa Kamara kasama ang DA ukol sa supply situation ng pagkain sa bansa.