Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, ipatutupad ngayong linggo

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, ipatutupad ngayong linggo

MAGPAPATUPAD ang mga kompanya ng langis ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa pagtataya ng Unioil Petroleum Philippines, posibleng tataas mula P0.30 hanggang P0.50 ang kada litro ng diesel at kerosene.

Ang pagtaas ng presyo ay dahil sa pagbawas ng Saudi Arabia ng kanilang oil output ngayong Hunyo.

Habang may rollback naman ang kada litro ng gasolina mula P0.30 hanggang P0.50.

Ito ay dahil sa ipinatutupad na polisiya ng Central Bank ng ibang bansa upang mapigilan ang inflation.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Energy (DOE), ang year to date net decrease ng diesel ay na P3.70 at P6.00 sa kerosene.

Habang nasa P5.85 naman sa kada litro ng gasolina.

Asahan ngayong araw ang anunsiyo ng mga kompanya ng langis para sa kanilang pinal na price adjustment.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter