Dagdag na higit 1-M doses ng COVID-19 vaccines, dumating na sa bansa

Dagdag na higit 1-M doses ng COVID-19 vaccines, dumating na sa bansa

DUMATING na sa bansa ang higit 1-M doses ng COVID-19 vaccines.

Nasa kabuuang 216,583,970 doses na ng bakuna kontra COVID-19 ang tinanggap ng Pilipinas simula February 28, 2021.

Ito’y kasunod ng pagdating ng nasa kabuuang 1,023,750 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno ng Pilipinas.

Pasado alas 9:00 kagabi nang lumapag ang Air Hong Kong Flight lD 456 sa Terminal-3 ng Ninoy Aquino International Airport kung saan sakay dito ang mga naturang bakuna.

Ang mga bakuna ay sinalubong ni assistant Secretary Wilben Mayor ang head of the NTF strategic communications sub-task group on current operation at iba’t-iba pang opisyal mula sa NTF at DOH.

‘’Sa ating mga kababayan muli kami po ay nanawagan at hinihikayat…at i observe natin ang social distancing,’’ayon kay Wilben Mayor.

Ayon din sa opisyal marami pang bakunang darating sa bansa partikular na ang Pfizer vaccine para sa mga bata edad 5 hangang 11.

Target na mabakunahan sa bansa ang nasa 15.56 milyong kabataan na nasa na 5-11 years old.

Para naman sa 0-4 years old ay may target naman na 11.11 million

Sa edad 12-17 target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 12.74 million pero sa ngayong nasa 8.7-M palang sa kanila ang tumanggap ng unang dose at 7.2m palang ang fully vaccinated sa naturang age group.

Sa huling tala ayon sa NTF against COVID-19 nasa 57.2 million na ang fully vaccinated sa bansa habang 59.7 sa mga kababayan natin ang tumanggap ng first dose at 6.2-M naman ang tumaggap ng booster dose.

SMNI NEWS