Dagdag presyo sa produktong petrolyo, ipatutupad na ngayong araw; Presyo ng LPG tank, tumaas din

Dagdag presyo sa produktong petrolyo, ipatutupad na ngayong araw; Presyo ng LPG tank, tumaas din

IPATUTUPAD na ngayong araw ang dagdag presyo sa produktong petrolyo.

Ito na ang ikatlong sunod na linggong may oil price hike.

Sa abiso ng oil companies tulad ng Caltex, Petron at Shell Pilipinas, tataas ang kada litro ng kanilang gasolina sa P0.95.

Habang P0.65 sa diesel at P0.35 ang kerosene.

May kapareho ring taas presyo ang Cleanfuel at Petro Gazz maliban lamang sa kerosene na hindi nila ibinibenta.

Epektibo ang naturang price adjustment alas-sais ng umaga maliban sa Cleanfuel na magpapatupad mamayang alas-kwatro ng hapon.

Samantala, tinaasan din ng oil companies ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) tank simula nitong Lunes, Hulyo a-uno.

Sa anunsyo, nasa 6 pesos ang dagdag ng kumpanyang Solane at Petron sa isang 11-kg cylinder.

Sa pahayag, itinuturong dahilan ng pagtaas ang international contract price ng LPG ngayong buwan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble