Dating mambabatas sa Japan, arestado sa pag-uwi mula UAE

Dating mambabatas sa Japan, arestado sa pag-uwi mula UAE

INARESTO ang dating mambabatas at social media personality na si Gaasyy noong Linggo dahil sa pagbabanta na sisiraan ang ilang indibidwal matapos bumalik sa Japan mula sa United Arab Emirates (UAE).

Ang 51-taong gulang na si Gaasyy ang tunay na pangalan ay Yoshikazu Higashitani ay naging sikat sa YouTube matapos na mag-post ng mga video ng celebrity scandals sa Kanuang Channel.

Tinanggal siya sa kaniyang pagiging mambabatas noong Marso ng House of Councilors matapos na hindi dumalo sa anumang sesyon mula nang maihalal noong nakaraang taon.

Ang pag-aresto ay nangyari sa Narita Airport malapit sa Tokyo matapos na dumating mula sa UAE.

Si Gaasyy ay nailagay sa international wanted list noong Abril sa pamamagitan ng International Criminal Police Organization.

Matatandaan na nagbabala si Gaasyy na sisirain ang career ng tatlong indibidwal sa kaniyang YouTube videos, kabilang na ang aktor na si Go Ayano at jewelry designer na si Kimio Fukutani.

Follow SMNI NEWS in Twitter