HINDI anti-poor ang death penalty.
Ito ang naging sagot ng chairman ng House Committee on Peace and Order and Dangerous Drugs na si Cong. Ace Barbers sa panayam ng SMNI News.
Aniya, marami nang nakulong at nahatulan ng habambuhay na mga mayayaman at mga big time drug lord.
Dagdag pa ni Cong. Barbers, may Public Attorneys’ Office (PAO) na puedeng magtanggol sa mga mahihirap na nasasakdal kung talagang wala itong kasalanan.
Magugunitang, muling naghain si Cong. Barbers sa Kamara ng House Bill 1543 para sa re-imposition ng death penalty para sa mga heinous crime offender.
Naniniwala rin si Cong. Barbers na mayorya sa mga Pilipino ang pumapayag na ibalik ang death penalty dahil sa krimen na nangyayari sa bansa.
Una na ring isinusulong ni Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa Senado ang death penalty para naman sa mga big time drug offender o mga drug lord.