NILINAW ni Defense Secretary Gilberto C. Teodoro, Jr. na hindi trabaho ng kanilang tanggapan ang i-monitor ang galaw ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ito ang iginiit ng kalihim sa kaniyang kauna-unahang meet and greet sa mga miyembro ng media sa Camp Aguinaldo araw ng Lunes, Hulyo 20, 2023.
Ayon kay Teodoro, isa nang ganap na private citizen ang dating Pangulo at hindi na nila sakop ang mga galaw at desisyon nito.
Pakikipagkita ni FPRRD kay Chinese President Xi Jinping, naging sentro ng kontrobersiya
Matatandaang, naging sentro ng kontrobersiya ang pakikipagkita ni Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa China kasunod nito ang kaniyang pagdalo sa isang ribbon cutting ceremony sa isang memorial building na ipinangalan sa kaniyang ina na si Soledad Roa Duterte sa Fuzhou City, Fujian, China.
Ayon sa impormasyon, itinayo ang Soledad College noong 2017.
Hanggang sa ngayon ay wala pang detalye na ibinibigay ang kampo ni dating Pangulong Duterte sa pagbisita nito sa China bagama’t umaasa ang Defense Department ng bansa na para sa interes ng bayan ang napag-usapan sa pagkikita ng dalawang lider.