Defense Minister ng S. Korea, bumisita sa arms exhibition sa UAE

Defense Minister ng S. Korea, bumisita sa arms exhibition sa UAE

BUMISITA si Defense Minister Lee Jong-Sup sa isang major defense exhibition sa UAE para suportahan ang mga kumpanya ng South Korea na naglunsad ng mga produkto nila roon.

Si Lee ay dumalo sa International Defense Exhibition & Conference 2023 sa Abu Dhabi noong Lunes matapos itong dumating sa bansa para makipag-usap sa kanyang counterpart na si Mohammed Ahmed Al Bowardi.

Ang 5 araw na exhibition na magtatapos sa Biyernes ay dinaluhan ng Senior Defense officials sa buong mundo mula sa higit 1,350 defense firms mula sa 65 bansa.

Higit sa 30 South Korean companies ang dumalo sa event ngayong taon kabilang na ang Korea Aerospace Industries Ltd. Hanwha Corp. at Hyundai Rotem Corp.

Si Lay ay nakipagkita rin sa mga delegado ng ibang mga bansa upang ipaliwanag ang weapon system ng South Korea at polisiya ng gobyerno para sa Korean Defense Exports.

 

Follow SMNI NEWS in Instagram