Police attaches, planong italaga sa UAE

Police attaches, planong italaga sa UAE

PLANO ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na magtalaga ng permanenteng Police Attaches sa United Arab Emirates (UAE).

Isa ito sa mga natalakay ni Azurin sa pulong kay Philippine Ambassador to the United Arab Emirates Alfonso Ver.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Police Colonel Redrico Maranan, layunin ng PNP Chief na mahusay ang kooperasyon at koordinasyon upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino sa UAE.

Gayundin sa usapin ng trafficking in person, human smuggling at iba pang safety concerns na nakakaapekto sa Filipino community.

Naniniwala si Azurin na sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng Police attaches sa foreign law enforcement agencies, makakatulong sila sa pagsugpo sa krimen na maaaring makaapekto sa parehong bansa, at matiyak ang kapakanan ng mga Pilipino.

Si Azurin ay nasa UAE para dumalo sa 24th INTERPOL Regional Conference, kung saan siya magbibigay ng updates sa sitwasyon ng trafficking in persons at human smuggling sa Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter