DENR: Huwag maglagay ng campaign materials sa mga puno

DENR: Huwag maglagay ng campaign materials sa mga puno

PINAALALAHANAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga kandidato para sa national at local elections ngayong Mayo na huwag maglagay ng campaign materials sa mga puno.

Paalala ni Ralph Pablo, Regional Executive Director ng DENR sa Central Luzon, ang mga campaign materials ay dapat nakalagay lamang sa mga designated posting areas at hindi sa mga puno.

Sa ilalim ng Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 10999, isang task force ang binuo ng pamahalaan upang pangunahan ang pagbabaklas ng mga campaign materials sa pampublikong lugar, gayundin ang mga hindi nakapaskil sa mga common posting areas.

Kabilang dito ang DENR, Department of Public Works and Highways, Metro Manila Development Authority, at iba pa.

“Katuwang ang ibang ahensya, magmo-monitor at magbabaklas ang DENR ng mga posters na nakakabit o nakapako sa mga puno,” ani Pablo.

Paliwanag ni Pablo, ang pagpako o pag-ukit sa balat ng mga puno ay nakasusugat sa mga ito na siyang dahilan upang sila ay madaling kapitan ng infection mula sa iba’t ibang pathogens.

Nananawagan din ang DENR sa mga kandidato na bawasan ang paggamit ng plastik sa kanilang mga campaign materials.

Ang Comelec Resolution No. 9615 ay humihikayat din sa mga kandidato na gumamit ng recyclable at environment-friendly materials.

Ayon sa mga pag-aaral, umaabot ng 450 taon bago mag-breakdown ang mga plastics, gaya ng tarpaulin. Ito ay maaaring makakadagdag sa solid waste generation ng komunidad, o kaya nama’y mapunta sa mga karagatan na maaaring makain ng mga marine species.

 

This article has been sourced from the DENR Central Luzon Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble