DENR, naglabas ng 2 bulletin order hinggil sa pagtitipid ng tubig

DENR, naglabas ng 2 bulletin order hinggil sa pagtitipid ng tubig

NAG-abiso ang Department of Natural Resources (DENR) sa mga kabahayan saDENR na magtipid ng tubig.

Ito ay sa gitna ng nararanasang El Niño phenomenon at upang maiwasan ang sunud-sunod na water interruption.

Batay sa Bulletin No. 2 ng DENR, gagawa ang Water Resources Management Office (WRMO) at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ng monthly review sa water bills ng lahat ng government facility upang matiyak na sumusunod ito sa direktiba ng Malakanyang tuwing may El Niño.

Hinihikayat din nito ang lahat ng condominium at subdivision managers na iwasan ang mga aktibidad na kinakailangan ng maraming tubig.

Pinag-iipon din ang mga water consumer ng tubig-ulan at pagre-recycle ng tubig.

Pina-aaprubahan din ng DENR sa lahat ng LGU sa NCR ang water pipe repairs ng Manila Water at Maynilad sa kanilang lugar para matiyak na walang pag-aaksaya ng tubig.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter