NAGTAYO ng Community PanTREE ang Department of Environment and National Resources National Capital Region (DENR-NCR) noong Hunyo 19, 2024, sa Quezon City Hall.
Iba’t ibang punla ng fruit-bearing trees at mga gulay ang libreng ipinamahagi rito para sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan at mga residente ng lungsod.
Ang aktibidad ay isinagawa para sa selebrasyon ng Philippine Environment Month at Philippine Arbor Day noong Hunyo 25, 2024.
Ang DENR-NCR ay nakatakdang magtayo pa ng Community PanTREE sa iba’t ibang lungsod ng Metro Manila sa pakikipag-ugnayan ng apat na Metropolitan Environmental Offices—North, East, West, at South bago matapos ang buwan.