NANGAKO ang Department of Education (DepEd) na magtalaga ng mahigit 15,000 na punong-guro sa mga pampublikong paaralan ngayong taon.
Sa kasalukuyan, 55% ng mga pampublikong paaralan sa bansa ay walang prinsipal dahil sa mababang passing rate sa National Qualifying Examination for School Heads (NQESH) at iba pang hamon.
Upang matugunan ito, itatalaga ang 7,916 NQESH passers mula 2024 at ire-reclassify ang 14,761 head teachers bilang School Principal I.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, agarang kikilos ang DepEd dahil ang mga punong-guro ang “utak” ng mga paaralan.
Maglalabas din ng panuntunan ang DepEd upang matiyak na maibabalik sa kanilang eskwelahan ang mga prinsipal na naitalaga sa ibang opisina.
Target ng ahensiya na makamit ang 1:1 ratio ng prinsipal kada paaralan pagsapit ng 2026.